Ipinagdiwang ng lahat ng kawani ng Anihan Technical School ang pagbibigay-pugay sa ating katutubong wika ngayong ika-28 ng Agosto 2026, Biyernes, sa pagtatapos ng Agosto bilang Buwan ng Wikang Pambansa.
Ipinamalas ng lahat ng bumubuo sa Anihan ang kanilang paggiliw sa ating kulturang Filipino sa pamamagitan ng paggayak ng mga kasuotang Filipino sa araw na ito.
Binabati namin ang mga nagwagi sa Paligsahan ng Mga Katangi-tanging Kasuotang Filipino! Sina Bb. Joyce Ricamora (Unang Gantimpala), Bb. Ruth Ciabu, (Ikalawang Gantimpala), at Bb. Alyssa Espirituoso (Ikatlong Gantimpala)!
Mabuhay ang Wikang Pambansa! Mabuhay ang Kulturang Pilipino!
